VIGAN CITY – Mahigpit umano ang monitoring na isinasagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mgA lugar na naapektuhan ng pagyanig ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao nitong Miyerkules ng gabi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, tiniyak ni NDRRMC-Office of the Civil Defense spokesman Mark Timbal na nakahanda umano sila na magpadala ng augmentation force kung sakali mang makita nila na nahihirapan ang mga city at municipal disaster units sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Hindi naman ikinaila na mayroong ilang sagabal o problema sa pagresponde ng mga rescuers ngunit ipinaliwanag nito na natural lamang umano na mangyari ang mga nasabing aberya lalo pa’t hindi naman inaasahan ang pagtama ng malakas na lindol, kahit pa sabihing naka-alerto ang mga ito.
Ikinatuwa naman nito ang kaagad na pagkilos ng mga LGU upang matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente.