Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa publiko sa posibleng peligro na dulot ng Bagyong Agaton na ngayon ay isa pa lamang Low Pressure Area (LPA) na nakatakdang mag landfall bukas January1, 2018 o sa Martes.
Hinimok ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan ang publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang nararanasang pag-uulan dala ng LPA at dapat may mga kaukulang precautionary measures ng ipapatupad ang publiko.
Dagdag pa nito na ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaari itong magdala ng tubig at maging peligroso sa sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, batay sa kanilang 11 a.m. weather bulletin na ang nasabing low pressure area ay estimated sa 910 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur at inaasahang ma develop bilang bagyo sa loob ng 48 oras.
Ang Bagyong Agaton ang siyang kauna unahang cyclone na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2018.
Dagdag pa ni Marasihan na ang nasabing LPA ay magdudulot ng katamtamang malakas na pag ulan lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Urduja at Vinta sa Eastern Visayas at ilang bahagi sa Mindanao.
Samantala, nasa high alert ngayon ang ilang regional offices ng NDRRMC dahil sa inaasahang Bagyo na si “Agaton.”
Ang mga nasabing regional offices ay Central Luzon, Western Visyas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.
Ang Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula ay nasa red alert status na habang ang Central Luzon ay nasa blue alert.