Nagsimula ng maghanda ngayon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa posibleng paghagupit ng Bagyong Rosita lalo na sa mga lugar na tatahakin nito.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas, ipapatupad nila ang kahalintulad na level of preparedness sa nakaraang Bagyong Ompong ang gagawin nilang paghahanda.
Sinabi ni Posadas may pagpupulong na silang ginawa sa mga concerned government agencies sa pakikipag tulungan ng mga local government units para simulan na ang paghahanda.
Napanatili ng Bagyong Rosita ang kaniyang lakas.
Posibleng magtaas ng storm signal warning ang Pagasa mamayang gabi at sa Martes nakatakda itong mag landfall sa Cagayan, Isabela.
Ayon sa PAGASA, as of 4 a.m. ngayong Linggo, ang Bagyon Rosita ay namataan 980 kilometers east ng Aparri, Cagayan na may maximum sustained winds na 200 kph with 245 kph gusts.
Kinumpirma ni Posadas,ongoing ngayon ang pagpupulong sa NDRRMC kasama ang iba pang mga ahensiya ng gobyerno.