-- Advertisements --

Nagpatawag ng pre-disaster risk assessment meeting ang National Dissaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Lunes ng hapon kaugnay sa Bagyong Mankhut at tatawaging Ompong kapag pumasok na sa Philippine Areas of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Mismong si NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang nasabing pagpupulong na dinaluhan ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ahensiya na dumalo sa pulong ay ang Pagasa, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of Social Welfare and Development, local government units at iba pa na siyang responsable sa pagresponde sa mga may sakuna.

Ang nasabing bagyo ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 210 kilometers per hour.

Direktang maaapektuhan ang Northern Luzon at magdudulot ng pag ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas na nagsisimula ng maghanda ang pamahalaan sa papalapit na sama ng panahon.

Paalala ni Posadas sa publiko na makinig at sumunod sa mga kinauukulan dahil ito ay para sa kaligtasan din ng lahat.

Umapela din ang NDRRMC sa publiko na huwag magpakalat ng mga maling balita lalo na sa social media.