-- Advertisements --
EARTHQUAKE DRILL 1

Naging matagumpay ang isinagawang nationwide simultaneous earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda umano sa sinasabing maaaring tumama sa Pilipinas na the big 1 o ang Magnitude 7.2 na lindol.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng kahandaan ng pamahalaan sa kung ano ang dapat na gawin sa mga mga possibleng mangyari kapag mayroong lindol.

Kabilang sa search and rescue team na naka abang ay ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority-Public Safety Division, Department of Health at ang Office of Civil Defense.

Layunin din ng drill na ito na makita ang mga possible gaps at mga kailangan pang mapabuti sa kasalukuyang plano, policies at procedures pagdating sa response ng rescue team.

Matatandaan na maraming mga naitalang malalakas na lindol isa na nga dito ay ang lindol sa Abra na magnitude 6.4, sa Masbate na may magnitude 6, nito lang nakaraang araw sa Davao De Oro na may magnitude 6.2 na lindol at ang pinakamalakas na naitalang lindol nito lang ay ang sa Turkey at Syria na may magnitude 7.8.