Nakahanda na ang National Dissaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa mga posibleng epekto ng Bagyong Ursula lalo na ang landslide at matinding pagbaha.
Ayon sa NDRRMC, naka pre-positioned na ang Family Food Packs, Emergency Funds, Food and Non-Food Items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nakipag coordinate na rin sa kanilang mga Regional Offices para sa mga kinakailangang preparasyon base sa impormasyon mula sa Mines Geosciences Bureau at Pagasa.
Nakalatag na rin ang proactive measures ng NDRRMC.
Pero hinimok ng ahensiya ang publiko na maging alerto sa lahat ng pagkakataon.
Kahapon, nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang ahensya upang pag usapan ang epekto ng bagyo.
Una ng sinabi ni NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad na malawak ang sakop ng Bagyong Ursula.