Tatlo ang iniulat na namatay dahil sa hagupit ng bagyong Jolina.
Batay sa inilabas na situation report ng National Disaster Risk Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang tanghali, dalawa sa iniulat na namatay ay sa Naro, Masbate, pero ito ay bina-validate pa.
Kinumpirma naman ng NDRRMC ang pagkamatay isang mangingisda na nagtamo ng head injury at nalunod kahapon matapos tumaob ang kanilang banka dahil sa lakas ng hangin at alon sa karagatan ng lephant island, Buenavista, Marinduque.
Una na itong Kinilala ng Buenavista Municipal Police station na si Jovert Manalo Garay, 21 taong gulang, walang asawa at residente ng Sitio Lagundian, Barangay Tungib, Buenavista, Marinduque.
Samantala, 31 ang iniulat na nawawala na karamihan ay mangingisda sa Catbalogan, Samar; Culuba, Biliran; Esperanza at Naro, Masbate, kung saan 14 ang kumpirmado, at 17 ang iba-validate pa.
Apat naman ang iniulat na sugatan sa Naro, Masbate na bineberipika parin ng mga awtoridad hanggang sa ngayon.