-- Advertisements --

10

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinukumpirmang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.

Batay sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 30 na ang napaulat na namatay dahil sa bagyo.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, 14 sa mga nasawi ang naitala sa Ilocos Sur, isa sa Pangasinan, dalawa sa Cagayan, apat sa Palawan, at siyam sa Benguet.

Sa bilang na ito ng mga napaulat na nasawi, 19 dito ang kumpirmado na ng NDRRMC, habang ang 11 ay patuloy pa nilang bina-validate.

Samantala, tatlo naman ang naitalang sugatan habang 11 ang missing at ngayon ay target ng search and rescue operation.

Umabot naman sa 13 ang mga kumpirmadong nawawala at isa ang napaulat na nawawala na bineperika pa.

Sa kabuuan, nasa 50,040 na pamilya o katumbas ng 194, 677 na indibidwal ang apektado ng bagyo.

Ito ay mula sa Region 1, 2, 3, 4-B, 6, CARAGA at CAR.

Sa naturang bilang, 1,775 na pamilya o katumbas ng 7,370 na indibidwal ang nanatili muna sa mga evacuation center habang ang iba naman ay lumikas sa ibang lugar.