-- Advertisements --

Tinututukan na ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga lugar sa Mindanao na makararanas ng hagupit ng bagyong Auring.

Ayon sa NDRRMC, naka-preposition na ang kanilang mga tauhan gayundin ang mga ipaaabot na tulong sa mga maaapektuhan ng kalamidad dulot ng bagyo.

Inaasahang magpapaulan ang bagyong Auring sa malaking bahagi ng bansa dahil hahatakin nito ang hanging amihan gayundin tail end of a frontal system na umiiral sa bansa ngayong weekend.

Batay sa datos ng PAGASA, posibleng maglandfall ang bagyo sa bahagi ng CARAGA sa Sabado at inaasahang nasa bahagi na ito ng Palawan sa Lunes ng susunod na linggo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga lokal na pamahalaan sa mga kinauukulang ahensya tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa anumang posibilidad ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.