-- Advertisements --
Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga mamamayan na makilahok sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gaganapin ngayong araw Nobyembre 10.
Magsisimulang pindutin ang alarm ng alas-nuebe ng umaga kung saan makikita ang kahandaan ng bawat local government unit sa bansa kapag may dumating malakas na lindol.
Napiling host para sa ceremonial pressing of button at full-scale exercise ang lungsod ng Parañaque.
Nakatutok ang earthquake drill ang scenario kung sakaling tumama ang magnitude 8.3 na lindol at tsunami scenario sa mga coastal communities.
Nanawagan din ang mga ito na dapat patuloy na obserbahan ang ipinapatupad na minimum health protocols.