-- Advertisements --

Nakataas ngayon ang blue alert status sa National Disaster Risk Reduction Office (NDRRMC) operation center para sa Holy Week.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad na mayroon sila ngayong augmentation sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ito ay para maging madali aniya ang kanilang koordinasyon sa pagbantay ng mga kaganapan sa kasagsagan ng Holy Week.

Sa mga nakalipas na araw, maraming biyahero ang nagtungo sa iba’t ibang bus terminals, paliparan at pantalan para umuwi sa kanikanilang mga probinsya.