-- Advertisements --

Patuloy daw na bina-validate sa ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ulat na isa na ang napaulat na namatay dahil sa bagyong Henry.

Ang naturang namatay ay mula raw sa Ilocos Region base na rin sa pinakahuling data ng NDRRMC.

Una rito, wala namang napaulat na nasaktan o nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng naturang bagyo na na nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) kaninang umaga.

Pero mayroon namang 110 na pamilya ang na-displace o 321 na katao sa apat na baragay nsa Ilocos Region.

Sa naturang data, 60 displaced families o 149 individuals ay inilipat sa evacuation center sa rehiyon habang ang 11 displaced families o 30 individuals ay naninirahan naman sa labas ng evacuation centers.

Sa ngayon, nasa walong kalsada at isang tulay ang hindi pa rin daw madaanan sa Ilocos region at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa epekto ng bagyo.

Nasa dalawamput pitong klase at siyam na work schedules din ang sinuspinde sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR sa kasagsagan ng naturang sama ng panahon.