-- Advertisements --

Sinimulan na ng National Risk reduction and Management Council (NDRRMC) ang assessment sa pinsala bunsod ng tumamang magnitude 5.7 na lindol sa Occidental Mindoro sa Region 4A nitong umaga ng Lunes.

LOCC OCC MINDORO

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal wala pang naitatala sa kasalukuyan na mga napinsala mula sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.

Nagsasagawa rin pa aniya sa ngayon ng assessment ang mga opisyal ng regional disaster reduction and management at ilalabas ang inisyal na resulta sa oras na maging available ito.

Una rito,inulat ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang episentro ng lindol ay tumama 23 kilometro ng northeast ng bayan ng Looc , Occidental Mindoro dakong ala-1:12 ng madaling araw na may lalim na 74 kms.

Inaasahan ayon sa NDRRMC na magdudulot ng damage to properties ang tremor kaya’t inaabisuhan ang mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng mga aftershocks.