Pinag-iingat ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan nating residente sa Northern Luzon.
Kasunod ito ng itinaas na tsunami warning ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nang dahil sa magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Taiwan kaninang umaga.
Kaugnay nito ay agad na inabisuhan ng naturang kagawaran ang mga residente sa naturang rehiyon partikular na sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Isabela na palaging maging alerto sa lahat ng oras.
Kaalinsabay nito ay pinayuhan din ng kagawaran ang lahat ng mga nakatira malapit sa dagat na lumayo sa Pacific Ocean at Philippine Sea, at lumikas na patungo sa mas mataas na lugar kung kinakailangan.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin naman ang ginagawang monitoring ng mga kinauukulan para sa mga panibagong development at sitwasyon hinggil sa nagturang pangyayari.