VIGAN CITY – Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Cagayan regional disaster council kasunod ng lindol na tumama sa Batanes nitong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi Office of Civil Defense spokesperson Mark Timbal, kasama rin nilang magpupulong sa isang video conference si Itbayat Mayor Raul De Sagon.
Kinumpirma ni Timbal ang agarang aksyon ng kanilang ahensya matapos humingi ng tulong si Gov. Marilou Cayco kay NDRRMC Usec. Ricardo Jalad.
Nakipagtulungan din daw sa kanila ang North Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.
Batay sa huling datos, walo ang patay habang 60 ang sugatan sa magkakasunod na 5.4, 3.2 at 5.9-magnitude na lindol.
Sa ngayon, patuloy umano ang monitoring at coordination ng NDRRMC sa mga concerned agencies hinggil sa nasabing pangyayari.