Siniguro ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) na maayos at handa ang local at regional operations ng mga local government units sa magiging posibleng epekto ng bagyong Marce sa bansa.
Nagkaroon ng pagpupulong si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na siyang tumatayo bilang chairman ng NDRRMC kasama ang mga opisyal mula sa Office of Civil Defense kabilang dito sina Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV at Assistant Secretary Jekereen Joy Casipit para talakayin ang kahandaan ng mga LGU’s sa posibleng hagupit ni Marce.
Puspusan din ang ginagawang monitoring ng mga naturang ahensya sa pagtatalaga at paghahanda para sa seguridad ng mga komunidad na maaaring tahakin ng bagyong Marce.
Sa ngayon, nagbigay ng paalala ang NDRRMC na lahat ng mga residente ay manatiling vigilante at patuloy na makinig sa mga abisong ilalabas ng kanilang LGU’s.