-- Advertisements --
Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC) ang pagtutok sa kalagayan ng mga residenteng kinailangang ilikas dahil sa pag-alburuto ng bulkang Kanlaon.
Ayon sa NDRRMC, umabot na sa P1.3 million ang halaga ng mga naipamahaging tulong sa mga naapektuhang residente.
Kinabibilangan ito ng mga FFPs, sleeping kits, at financial assisstance.
Samantala, iniulat naman ng konseho na umaabot sa 1,407 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center kasabay ng patuloy na pag-alburuto ng bulkan.
Ang mga ito ay nasa 11 evacuation center sa Negros Oriental at Occidental.
Siniguro ng NDRRMC na manananatili itongnakatutok sa kalagayan ng mga apektadong residente hanggang hindi nawawala ang banta ng naturang bulkan.