-- Advertisements --

Tiniyak nang pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi magiging problema ang suplay ng pagkain sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Basyang.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na siniguro sa kanila ng DSWD na may naka-preposition nang pagkain, gamit at pondo para sa Visyaas at Mindanao na magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente.

Ipinauubaya naman na anya nila sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapapatupad ng evacuation lalot naibigay na nila sa mga ito ang listahan ng mga barangay kung saan mataas ang tyansa ng pagbaha at landslide.

Nasa red alert status ngayon ang NDRRMC para sa bagyong Basyang.