-- Advertisements --
Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mahigpit pa rin ipatutupad ang lockdown sa mga danger zone.
Dahil unstable pa rin ang sitwasyon ng Taal volcano
Sa panayam ng Bombo Radyo kay NDRRMC Executive Director USec Ric Jalad aniya, nag usap na sila ni DILG Sec Eduardo Año hinggil sa striktong pagpapatupad ng lockdown.
Dahil dito hindi na papayagan ang window hours para sa mga residente.
Inihayag pa ni Jalad lahat ng mga bangka ng mga residente ay isasailalim muna nila sa safekeeping at kapag maayos na ang sitwasyon kanila itong ibabalik.
Sa ngayon mataas pa rin ang posibilidad na muling pumutok ang Bulkang Taal na maituturing na hazardous eruption.