-- Advertisements --

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sapat ang assets ng national government para suportahan ang workforce at logistics ng mga local government units (LGUs) na apektado ng bagyong Marce.

Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang mga dedicated team ay naka deploy sa Region I, II at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sinabi ni Nepomuceno na mula sa AFP para sa regions I, II, at CAR, mayroong 1,210 dedicated teams, 1,364 vehicles at 88 land assets, water crafts, aircraft.

Naglaan naman ang Philippine Coast Guard ng 81 land assets, at 132 watercraft para tulungan ang tatlong rehiyon.

Nakahanda naman ang Philippine National Police (PNP) na mag deploy ng 10,000 tauhan para sa disaster response kung kinakailangan.

Ayon kay Nepomuceno, sa ngayon umaabot na sa 10,795 pamilya sa Rehiyon I, II, at CAR ang matinding naapektuhan ng bagyong Marce.