Nakatakdang mag perform ang grammy award winning artist na si NE-YO sa Disyembre 31 sa isang sikat na Hotel sa Quezon City kung saan sasalubungin nito sa Pilipinas ang New Year Eve.
Pagmamalaki ng pamunuan ng Hotel asahan na magpapamalas si NE-YO ng magandang performance. Isa nga sa sikat nitong mga awitin ay ang ‘Miss independence’ kung saan nagwagi ng dalawang grammy awards.
Isa rin sa aabangan ng Pinoy fans ang pagdating ng sikat na dancer group na Jabbawockeez na unang sumikat noong 2008 kung saan kilala dahil sa suot nitong maskara at mga dance moves na talaga namang patok sa mga Filipino supporters nito.
Mapapanood rin ang grupo ng P-Pop boyband na BGYO na unang nagpakilala sa publiko noong 2019, pinasikat ang awiting ‘He’s into her’ na nakakuha pa ng titulong ‘best theme song’ sa 2021 Asian Academy Creative Award.
Ang naturang programa ay dadaluhan pa ng American Got Talent finalist Avantgardey, Beast House, at isang Ukrainian model DJ Soda.
Bukas naman ang social media page ng naturang hotel para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa oras ng pagbubukas nito.