Ngayon pa lamang todo na ang paalala ng National Electrification Administration (NEA) sa mga electric cooperatives (ECs) na siguraduhing supisyente at walang interruptions ng power supply sa panahon ng halalan.
Sa inilabas na memorandum ng ahensya, pinaalalahanan ng NEA ang mga power distributors sa buong bansa na meron na silang naunang memorandum na nag-aatas na dapat tiyakin na may “reliable power supply bago, sa mismong araw ng halan, at pagkatapos,” sa May 2022 national and local elections.
Una nang nagbabala nitong nakalipas na araw ang Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na ang Luzon grid ay posibleng makaranas ng power interruptions sa second quarter ng taong kasalukuyan kasama na ang critical period na elections day sa Mayo 9.
Bilang kasagutan, sinabi ng National Electrification Administration na sa mismong araw ng halalan ay mahalaga na ang mga power providers ay dapat na may skeletal force na pwedeng mai-deploy sa loob ng 24-oras upang tugunan ang mga insidente ng shortfall ng electricity supply; kailangan din daw ang madaliang paghingi ng ayuda sa militar at pulisya para sa pagbabantay sa mga critical facilities lalo na ang mga substations na vulnerable sa mga pagsabotahe o mga nasa “high-risk areas,” mahalaga rin daw na magkaroon ng back-up power supply o mga generator sets na siyang magseserbisyo sa iba’t ibang mga polling centers sa araw ng halalan.