Mabilis nang matutukoy ng National Electrification Administration (NEA) ang mga lugar na walang access sa kuryente pagkatapos nitong makipagtulungan sa Cisco Philippines para bumuo ng digital dashboard command center (DDCC).
Ayon kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda, ang mga electric cooperative (EC) na may sariling digital dashboard ay magkakaroon ng mga ito na konektado sa digital command center ng ahensya.
Aniya, ang nasabing dashoard center ay makakatulong na mapadali at mapabili ang pagtukoy sa mga lugar sa isang probinsiya kung ano ang sakop ng kanilang electric distribution line.
Ang proyekto ng digital dashboard command center ay bahagi ng Ugnayan 2030 country digital acceleration program ng Cisco company na naglalayong magbigay ng napapanahong data sa pagganap ng mga electric cooperative sa mga rural areas.
Ibibigay ng nasabing kumpanya ang dashboard system sa NEA at ilalagay ito sa loob ng opisina ng ahensya sa Quezon City sa huling bahagi ng taon.
Kapag nakakonekta na ang mga dashboard ng electric companies sa pangunahing sistema ng NEA, malayuang masusubaybayan ng isang technical team kung mayroong anumang mga pagkaantala sa serbisyo o iba pang mga pagkakaiba sa loob ng lugar ng serbisyo ng kooperatiba.