-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad ng National Electrification Administration (NEA) ang isa sa flagship projects nito na Digital Dashboard Command Center sa susunod na taon.

Makikipagtulungan si NEA Administrator Antonio Mariano Almeda sa Benguet Electric Cooperative (BENECO) at Cebu III Electric Cooperative, Inc. (CEBECO 3), na magsisilbing pilot co-operation para sa unang yugto ng Digital Dashboard Command Center.

Plano din ng NEA na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Science and Technology (DOST) para ihanda ang iba pang Electric Cooperative kaugnay ng Supervisory Control and Data Acquisition system at Digital Dashboard Command Center

Nilalayon ng NEA na ilunsad ang nasabing command center at ikonekta ang 60 Electric Cooperative sa taong 2024.

Una na rito, ang nasabing hakbang ay magpapalakas din sa NEA na subaybayan ang mga data at impormasyon na kinakailangan para sa kanilang nasasakupan.