-- Advertisements --

Pinakikilos na ng National Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) ang lahat ng mga apektadong electric cooperative na gawin na ang nararapat na contingency measures, kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyong Kabayan.

Ito ay kasabay na rin ng kautusan ng ahensiya sa mga naturang kooperatiba na madaliin na ang pagbabalik ng power supply sa mga apektadong lugar, basta’t matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Paalala ng NEA sa mga kooperatiba, agad nang magsumite ang mga ito ng damage at power situation report, kaugnay sa mga naitalang pinsala sa kani-kanilang mga lugar.

Sa kabila nito, pinatitiyak rin ng ahensiya ang kaligtasan ng mga mga empleyado nito, lalo na ang mga magtutungo sa mga field para sa mga kaukulang assessment at validation.