Pinakikilos ng National Electrification Administration ang mga electric cooperative na bantayan ang magiging epekto ng bagyong Julian sa power sector, lalo na sa Northern Luzon.
Inaatasan ng ahensiya ang mga kooperatiba na i-monitor ang mga banta sa power distribution na maaaring maka-apekto sa mga consumer.
Pinapa-activate na rin ng NEA ang mga Emergency Response Organization(ERO) sa bawat kooperatiba na maaapektuhan sa pananalasa ng bagyo.
Sa ilalim nito, kailangan nang i-implementa ng mga EC ang akmang emergency response plan.
Pinapatiyak din ng NEA sa mga kooperatiba na may sapat at akmang mga material o buffer stock na magagamit para sa emergency power situation at power restoration.
Kaugnay nito, inaatasan ng ahensiya ang bawat EC na magsumite ng regular reporting ukol sa araw-araw na naoobserbahan sa kani-kanilang lugar.