Pinapatutukan ng National Electrification Administration(NEA) sa mga electric cooperative ang epekto ng bagyong Nica sa power sector.
Pinapakilos ng NEA ang mga EC na bantayan ang linya at supply ng kuryente habang nagpapatuloy ang bagyong Nica sa pagtawid nito sa malaking kalupaan ng Northern Luzon.
Payo ng ahensiya sa mga EC, kailangang kaagad makapagsagawa ng restoration sa mga lugar na pansamantalang pinutol ang supply ng kuryente bilang precaution sa epekto ng bagyo.
Gayonpaman, pinapatiyak naman ng ahensiya ang kaligtasan ng mga power consumer at mga linemen, lalo na sa mga bantang dulot ng mga natumbang poste ng kuryente, naputol na kawad ng kuryente, atbpang nauugnay sa power sector.
Pinapasumite naman ng NEA ang mga EC ng akma at napapanahong power situation report ukol sa epekto ng naturang bagyo.