Target ng National Electrification Administration na maaabot ngayong taon ang 94% energization rate sa lahat ng mga remote households sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda ngayong araw.
Ayon kay Almeda, nananatiling positibo ang kanilang ahensya na maaabot nito ang naturang target rate.
Aniya, sa ngayon ay magiging prayoridad nila ang bahagi ng Mindanao kung saan mababa pa rin ang energization rate sa mga remote areas sa mga lalawigan sa rehiyon.
Aabot naman sa ₱1.627-billion ang inilaang pondo ng NEA para sa electrification ng mahigit 22,000 na kabahayan sa bansa.
Maliban pa dito ang inilaan ng ahensyang pondo na aabot sa P200-M para sa subsidy ng mga Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund.
Pinag-laanan rin ng ahensya ng pondo na aabot sa ₱2-B para sa nagpapatuloy na Photovoltaic Mainstreaming Sitio Electrification and Barangay Line Enhancement Programs (SEP/BLEP) ng kanilang ahensya.
Kumpyansa naman ang ahensya na tuluyan nitong maaabot ang 100% electrification rate pagsapit ng taong 2028.