-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang labing dalawang mga electric cooperatives (ECs) ang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Leon sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng National Electrification Administration ngayong araw.

Ayon sa ahensya, ang naturang bilang ng mga electric cooperatives ay naitala sa labing isang lalawigan mula sa Ilocos, CAR at Cagayan Valley.

Batay sa datos ng National Electrification Administration, wala pa ring power connection ang Batanes Electric Cooperative.

Partial power interruption naman ang umiiral ngayon sa lima pang electric coops sa bansa.

Kinabibilangan ito ng Ilocos Norte Electric Coop, Kalinga-Apayao Electric Coop, Benguet Electric Coop, Mountain Province Electric Cooperative, at maging ang Cagayan II Electric Coop.

Sa kabila ng mga apektadong coops, naibalik naman ang normal na operasyon sa anim pang power coops na sinasabing katumbas ng aabot sa 187 na bayan.

Wala namang patid ang pagsasagawa ng ahensya ng assesment sa kabuuang danyos o epekto ng bagyo.