-- Advertisements --
IMAGE © CNN.com

Itinuturing ni Nebraska Governor Pete Rickett na ito na ang pinaka malalang baha na naranasan ng Nebraska.

Dahil rito ay nasalanta ang malaking parte ng Midwest.

Tinatayang umabot na sa 74 syudad sa Cornhusker State ang nag deklara ng state of emergency.

“What we’re seeing is just widespread destruction to public infrastructure, to homes, to businesses. This really is the biggest disaster, as far as damage, we’ve ever faced in our state,” ani Ricketts

Kinumpirma naman ni Agriculture Secretary Sonny Purdue na halos $400 million ang nalugi sa kanilang mga binebentang hayop, $440 million naman sa mga pananim pati na rin ang mga public infrastractures.

Samantala, nag-submit na ang kanilang bansa ng mga dokumento para sa federal disaster relief funds.