DAVAO CITY – Bahagyang tumaas ang ekonomiya ng Davao Region sa kabila ng pagkakalugmok ng dalawang taong krisis dulot ng pandemya.
Sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA XI Regional Director Maria Lourdes Lim na nasa 7.9% ang Gross Regional Domestic Product o GRDP sa Davao Region sa taong 2020.
Higit pang ibinunyag ng opisyal sa Davao Regional Development Plan o DRDP 2023-2028, malaki ang epekto ng pandemya sa rehiyon kaya inaasahang makakaranas ito ng paghina ng paglago ng ekonomiya.
Samantala, masaya si Lim sa bahagyang pagtaas ng GRDP sa rehiyon sa 2022 na aabot sa 8.2% kapag lumuwag na ang mga paghihigpit.
Nilinaw din ni Lim na nakabangon na ang rehiyon sa larangan ng ekonomiya kung saan isinusulong pa rin nila ang ‘economic transformation’ para makamit ang tunay na kaunlaran sa buong Rehiyon Onse.