-- Advertisements --

Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) ang tuluyang pagbabawal ng Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa.

Ito ay dahil sa negatibong imahe ng POGO na sumisira sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni NEDA Assistant Secretary Sarah Lynne Daway-Ducanes na noong 2019 ng kalakasan ng mga POGO ay tumaas ang naitulong nito sa ekonomiya ng bansa subalit ng higpitan na ng gobyerno ang mga ito noong nakaraang taon ay maliit na lamang ang naitutulong nito sa ekonomiya ng bansa.

Hindi naman sang-ayon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tuluyang ipagbawal ang POGO at sa halip ay palakasin na lamang ng gobyerno ang kanilang monitoring at pag-regulate sa nasabing industriya.