-- Advertisements --

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority ang kahalagahan ng pagkakaroon ng patas at malayang kompetisyon sa sektor ng pagsasaka sa bansa.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan , malaki ang maitutulong nito para matiyak ang food security sa Pilipinas.

Bukod dito ay mapapangalagaan rin ang hangaring pagkakaroon ng economic transformation.

Ang pahayag ay ginawa ni Balisacan sa kanyang naging mensahe sa ginanap na 2025 Manila Forum on Competition in Developing Countries.

Dito ay binigyang diin ng opisyal ang malaking papel ng agricultural sector sa food system ng Pilipinas.

Samantala, pinag-usapan rin sa naturang forum ang usapin hinggil sa impact ng globalization sa agricultural market maging sa competition enforcement, merger control, non-tariff measures at iba pa.