-- Advertisements --

Binigyang halaga ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng national identification (ID) system para sa pagpapabilis ng public-and-public sector services.

Sinabi ni acting Socio Secretary Karl Kendrick Chua, na bukod sa mabibigyan ng impormasyon ang gobyerno ay maisusulong din ngayong panahon ng coronavirus pandemic ang financial inclusion, health care at social protection ng mga indibidwal.

Dagdag pa ni Chua na nasa 14.8 million pamilya ang walang kaukulang ID at walang bank accounts kaya sila nagkaroon ng problema sa Social Amelioration Program.

Sakali aniya na mipatupad na ang national ID system ay mapapadali ng maipatupad ang digital payments ng bansa.