Inaprubahan ng National Economic And Development Authority o Neda Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “bongbong” Marcos Jr., ang Philippine Digital Infrastructure Project na magpapalakas ng Broadband Connection sa buong bansa, partikular sa mga remote areas.
Ayon sa Pangulo, Ang Philippine Digital Infrastructure Project ay magbibigay ng Wifi Connectivity para sa Edukasyon, Trabaho, at Pagpapalago ng Ekonomiya.
Sinabi naman ng Neda na ang proyekto ay maghahatid ng High Speed Internet Connection maging sa Disadvantaged Areas, at magpapasigla sa Investments ng Pribadong Sektor.
Palalakasin din nito ang Cybersecurity at proteksyon ng Critical Information Infrastructure.
Nasa P16.1 billion pesos ang ilalaang pondo para sa nasabing proyekto na kukunin sa official Development Assistance mula sa World Bank.