-- Advertisements --
image 704

Ikinagalak ng National Economic and Development Authority ang pagkakasabatas ng Trabaho Para sa Bayan Act.

Maalalang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang naturang batas ngayong araw, sa layuning makabuo pa ng mas maraming mga trabaho para sa mga Pilipino.

Ang naturang batas ang nakikitang magiging tugon sa mga problema sa labor sector, katulad ng unemployment, underemployment, job mismatch, at iba pa.

Sa naging pahayag ni NEDA Director General Arsenio Balisacan, sinabi niyang tiyak na mapapataas ang employability, kasamana ang pagtaas ng employment opportunities para saworkforce ng bansa.

Makakatulong din aniya ang naturang batas upang madagdagan pa ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino, kasama na ang pagbibigay ng suporta sa mga MSMEs.

Tiniyak din ng NEDA Chief na makikipagtulungan ito sa ibat ibang mga ahensiya at mga lokal na pamahalaan para sa mas maayos na pagpapatupad sa bagong batas.

Ayon kay Sec. Balisacan, magsasagawa rin ang NEDA ng mas malalim na pag-aaral ukol sa mga isyu sa sektor ng paggawa sa bansa.