Nanawagan ang pamunuan ng National Economic and Development Authority sa Kongreso na ipasa ang panukalang magtatatag sa Department of Economy, Planning, and Development.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, layon nito na matagumpay na maisakatuparan ang mga plano, polisiya at programa ng gobyerno.
Aniya, sa oras na umarangakada na ang re-organization sa kanilang hanay, maipag-iibayo na nila ang pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Iginiit pa ng opisyal na hindi lamang magiging plano ang mga programa at proyekto ng gobyerno sa oras na maitayo na ang bagong kagawaran.
Madadagdagan kasi aniya ang kapangyarihan ng NEDA sa pagsisigurong nakahanay ang mga layunin ng pamahalaan sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Magkakaroon rin aniya ng kamay ng kanilang ahensya ng sa gayon ay ganap na maipatupad ang mga hangaring maging matibay, maginhawa, at panatag ang buhay ng lahat ng mamaayang Pilipino.