Iginiit ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan ang importansya ng maayos na pagpaplano at pagpapatupad sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Layon nitong masolusyunan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Sa naging Bagong Pilipinas Townhall Meeting, ibinahagi ni Balisacan ang sinabi ni PBBM na hindi malulutas ang traffic problem sa pamamagitan ng patse-patseng mga inisyatibo.
Ito aniya ang dahilan kung bakit binuo ng kanilang ahensiya ang Philippine Development Plan 2023-2028.
Ang naturang plano ay layuning mabalangkas ang komprehensibong estratehiya na siya namang tutugon sa isyu ng mabigat na trapiko sa Metro Manila.
Pasok dito ang mga pagpapabilis ng konstruksyon ng mga “mass-transit infrastructure” ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang subway, railways, expressways at mga tulay sa Metro Manila, at katabing mga lugar.
Kaugnay nito ay hinikayat ng ahensya ang mga negosyante na mamuhunan sa iba’t ibang mga lungsod sa labas ng Metro Manila.