Nilinaw ng National Economic and Development Authority ang paninindigan at desisyon nito na suportahan ang pagbabawas sa taripa ng bigas.
Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na malaki ang maidudulot upang maging abot kaya ito sa mga merkado sa bansa.
Ginawa ng kalihim ang paninindigan matapos ang masusi nilang evaluation sa kasalukuyang Tariff Commission sa Customs Modernization and Tariff Act.
Siniguro naman ni Balisacan sa mga magsasaka ang buong suporta ng kanilang ahensya.
Kabilang na rito ang kanilang suporta sa mga kinakailangan na imprastratura, makinarya, modernong teknolohiya at tulong pinansyal sa mga lokal na magsasaka.
Humiling rin ito ng pag-unawa at suporta sa mamamayang Pilipino dahil patuloy naman aniyang ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa.