Iginiit ng National Economic and Development Authority na kailangan pa rin ipagpatuloy ng pamahalaan ang pamamahagi subsidiya para sa mga mahihirap na Pilipino. Ito’y sa kabila ng gumagandang inflation rate sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi si NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa ganitong paraan aniya ay makasisiguro ang pamahalaan na maaabot nito ang layuning mabawasan ang paghihirap na nararanasan ng mga mamamayan ng bansa.
Ayon sa kalihim, umaasa ito na sa taong 2028 ay mararating ng bansa ang tinatawag na single-digit poverty rate.
Una ng sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na kanilang pinag-aaralan kung paano mas mapapabuti ang kanilang mga programa.
Kabilang na rito ang pagbibigay ng cash transfer sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.