Nilinaw ng National Economic and Development Authority na walang malaking epekto sa gobyerno ng Pilipinas ang naging kautusan ni US President Donald Trump na pansamantalang ihinto ang paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID).
Ginawa ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon ang pahayag sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw.
Ayon kay Edillon , hindi na gaanong maapektuhan ang bansa dahil na rin sa malaking pagbabago nito.
Hindi katulad ng dati ay kailangang dumipende ng Pilipinas sa tulong mula sa ibang malalaking bansa.
Aniya, noon at nakadepende rin ang Pilipinas sa USAID para sa pagtatayo ng mga karagdagang paaralan sa Pilipinas.
Sa kabila ng pagsasailalim ng USAID sa 90-day review , wala namang patid ang pag-alalay ng USAID staff sa bansa.
Kung maaalala, naging epektibo ang 90 days review para sa naturang programa matapos na maglabas ang US state department ng “stop-work” order noong Enero 24.
Ito ay alinsunod na rin sa naging direktiba ni US President Donald Trump.