Ikinagalak ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang pagtaas ng remittance ng mga OFW.
Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 2.6 percent o nasa US$3.02 ang personal remittances ng mga overseas Filipino worker nuong buwan ng February mula sa US$2.95 billion na naitala nuong February 2024.
Ito ang inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umabot din sa US$6.27 billion ang cumulative remittances nuong January-February 2025 kumpara nuong nakaraang taon ng kaparehong panahon na nasa US$6.10 billion.
Ayon kay Sec. Balisacan ang 2.6% year-on-year na pagtaas sa remittances ng mga Pilipino ay patunay lamang sa katatagan ng mga overseas Filipinos sa gitna ng mga pandaigdigang hamon.
Ito ay bukod pa sa kanilang malalim na pakiramdam ng responsibilidad, kakayahang umangkop, at pangmatagalang pangako na suportahan ang kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas.
Sa pahayag ng BSP ang may malaking ambag sa remittance ay ang mga nasa land-based and sea-based workers.
Nabatid na ang personal remittances mula sa mga OFWs Lalo na ang cash remittances na ipinadala sa pamamagitan ng banko ay umabot sa US$2.72 billion nuong buwan ng February 2025, mas mataas ng 2.7 percent mula sa US$2.65 billion na naitala nuong February 2024.
Habang ang year-to-date basis, cash remittances ay tumaas din ng 2.8 percent o nasa US$5.63 billion nuong January-February 2025 kumpara nuong nakaraang taon.
Ang cash remittances mula sa US, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates ang may malaking kontibusyon sa pagtaas ng cash remittances mula January at February 2025.