-- Advertisements --
Isinusulong ng National Economic and Development Authorit (NEDA) ang pagbuo ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEV).
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na ang pagbuo ng nasabing DEPDEV ay magpapalakas ng kapasidad ng ahensiya na suportahan ang development plan ng Pilipinas.
Giit nito na ang pag-reoganisa ng NEDA sa department ay makakatulong na resolbahin ang problema ng inconsistency ng public policies ganun din sa planning, budgetting at maraming iba pa.
Dagdag pa nito na kapag naging department na ito ay mayroon ng magmomonitor at mag-evaluate ng mga priority programs, activities at proyekto ng gobyerno. sa buong bansa.