Naniniwala ang National Economic and Development Authority na malaki ang maitutulong ng Implementing Rules and Regulations ng Trabaho para sa Bayan Act para palakasin ang labor force ng bansa.
Ginawa ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang pahayag matapos na makapagtala ang Pilipinas ng 4.5 percent na unemployment rate nito lamang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.
Ang datos na ito ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority.
Sinabi pa ng kalihim na bukas ay nakatakda nitong pirmahan ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Trabaho para sa Bayan Act.
Kasama nito sa paglagda si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na gaganapin naman sa tanggapan ng NEDA sa Pasig City.
Kung maaalala, ipinagmalaki ng opisyal na napanatili ng Pilipinas ang mga job-generating investment nito dahil sa ginawang pagtugon ng gobyerno sa skill mismatches sa labor market.
Tiniyak rin ng opisyal na patyulong ang ginagawang hakbang ng adminitaryon ng PBBM upang mapabuti ang business environment sa Pilipinas.