-- Advertisements --
Iminungkahi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na dapat ay muling pag-aralan ng gobyerno ang pag-classify nila ng mga itinuturing na mga mahihirap.
Ayon sa kalihim na ang nasabing parameters ay ilang dekada ng ginagamit.
Taon-taon aniya ay nagbabago ng mga mga preferences at ang mga presyo ng mga bilihin.
Ang nasabing pag-aaral aniya ay ginawa noon ng Food and Nutrition Research Institute.
Noong 2023 kasi ay lumabas sa pag-aaral na sapat na sa isang pamilya ang P9,581 na pagkain.
Nangangahulugan nito na bawat tao ay mayroong P64 sa kada o katumbas ng P21.33 sa kada kain.