-- Advertisements --

Naniniwala ang pamunuan ng National Economic and Development Authority na malaki ang maitutulong ng mga pagbabago sa sektor ng telecommunication sa ekonomiya ng bansa.

Dahil dito , mas maraming mga ordinaryong Pilipino ang magiging abot kamay na mabilis at murang internet sa Pilipinas.

Kabilang rin sa makikinabang sa mga pagbabagong ito ay ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises.

Kung maaalala, naisabatas na ang Open Access in Data Transmission Bill.

Layon nito isulong ang mga pagbabago sa telecommunication sector.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na partikular na isinusulong ng batas ang kompetisyon sa telco sector sa pamamamagitan ang pag-aalis ng legislative franchise para sa mga kumpanya na nais gumawa ng sariling network.

Kaugnay nito, naglabas naman ng policy note ang naturang ahensya na layong maipabatid sa publiko at stakeholders ang mga mahalagang reporma sa telco sector.

Iginiit rin ng ahensya na mahalaga ang pagbabagong ito upang makapagbigay ng maayos at mabilis na serbisyo sa Internet.