-- Advertisements --

Aabot sa ₱2.6-trillion ang inaasahang kita ng National Economic and Development Authority na papasok sa Pilipinas sa sandaling mag adopt na ang mga negosyo sa Artificial Intelligence Powered Solutions.

Tiniyak rin ng ahensya na suportado nila ang paglulunsad ng National AI Strategy Roadmap 2.0 maging ang pagtatayo ng Center for AI Research.

Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang AI ay makatutulong rin para umunlad ang mga negosyo sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang retail, logistics, manufacturing, at maging ang financial services.

Naniniwala ang kalihim na sa ganitong pamamaraan ay mapapalakas nito ng pamahalaan sa pagsusulong ng kaukulang local innovation. at digital transformation.

Masusuportahan rin aniya ng AI Roadmap ang mga empleyado na maaaring mawawalan ng trabaho.

Ito ay sa pamamagitan ng upskilling, reskilling, at training para sa kanila.

Top