-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukalang P24-bilyon wage subsidy program.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na ang nasabing panukalang batas ay para ma-preserba ang mga trabaho dahil ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Bilang chairman ng inter-agency National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force ay magiging prioridad dito ang mga manggagawa ng private sector na napapaloob sa eight-point employment recovery agenda nila.

Layon nito aniya ay para magprotektahan ang kasalukuyang trabaho sa bansa.

Sa nasabing panukala ay makakatanggap ng P8,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan ang mga apektadong empleyado.

Makikinabang ang nasa mahigit 1 milyon na manggagawa sa nasabing panukala.