-- Advertisements --

Binigyang halaga ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua ang nagkakaroon ng bawat indibidwal ng national identification card.

Kapag mayroon ng national ID ang lahat aniya ay may tsansa na ang mga mahihirap na makapagbukas na ng kanilang mga bank accounts ganoon din hindi na mahirap pa na sila ay makapagparehistro ng kanilang negosyo.

Isa kasi sa daming mga requirements na hinahanap ang ID kapag magbubukas ng bank accounts at pagrehistro ng negosyo.

Magugunitang sisimulan na ng Philippine Statistics Authority ang pagproseso ng national ID sa araw ng Lunes October 12 sa 32 probinsiya.