-- Advertisements --
Kumpyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na walang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang nangyayaring bangayan ngayon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, tuloy-tuloy pa naman ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa kasalukuyan.
Dahil na rin ito sa pagpapanatili ng mga matatag na polisiya ng pamahalaan sa usapin ng ekonomiya.
Inihalimbawa pa nito ang naganap na political noises noong late 1990s kung saan hindi ito nagdulot ng masamang epekto sa lagay ng pagnenegosyo sa bansa.
Tiniyak rin nito na ipagpapatuloy ng administrasyon ang layunin nitong maabot ang lahat ng mga agenda na nakapaloob sa Philippine Development Plan.